314
ABANTE TNT jake macasaet malaya pub
Jan 8, 2018 @ 16:57
By

Palasyo nakiramay sa pagpanaw ni Malaya publisher Jake Macasaet

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacanang sa pamilya Macasaet dahil sa pagpanaw ng Malaya publisher na si Jake Macasaet.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, malaking kawalan ang pagpanaw ni Macasaet sa larangan ng Philippine Journalism.

Nakilala aniya si Macasaet dahil sa matapang nitong uri ng pamamahayag lalo na noong panahon ng Martial Law kung saan napabilang ito sa “mosquito press”, at mas gugustuhing ma-cite ng contempt kaysa manahimik.

“We condole with the family of Jake Macasaet. Jake as you know, is a long term publisher of Malaya. We consider his death to be a big loss to Philippine Journalism. Aside from being active in publishing Malaya and being active in the mosquito press during the martial law years, Jake was best known for wanting to be cited in contempt rather than be silenced even by the court,” ani Roque.

May isa aniyang pagkakataon na na-contempt si Macaset sa korte dahil sa matapang na pahayag nito sa tinaguriang “Majestic 7”, umano’y mga judges na nakikipagsabwatan sa mga tiiwalang mahistrado ng Korte Suprema, at hindi nito isinuko ang kanyang kalayaan billang mamamamhayag.

Sinabi ni Roque na nakatrabaho niya noon si Macasaet kaugnay sa mga kasong libelo nito na inihain ni dating First Gentleman Mike Arroyo at hindi ito tumiklop, bagkus ay nilabanan niya ang mga ito.

“He was very maverick and insisted, “let them file charges against me because I considered them badges of honor”. He will be missed by the nation and me,” dagdag pa ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?