67

Oct 18, 2017 @ 14:32

Palasyo nakiramay sa pagpanaw ni Cardinal Vidal

Nakiramay ang  Malacanang  sa  pagdadalamhati  ng Simbahang Katoliko partikular  ng  mga  taga-Cebu   sa  pagpanaw  ni Cebu Archbishop  Emeritus Cardinal Vidal kaninang umaga.

Sa  ipinalabas  na  pahayag  ng  Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na maganda  ang pagkakaibigan at  pakikitungo  nina  Pangulong  Rodrigo Duterte  at  Cardinal Vidal sa  isa’t isa  sa  kabila  ng  mga  banat  ng  Presidente sa  mga  alagad  ng  simbahan.

Katunayan, ani Abella,  bumisita  pa si Cardinal Vidal sa  Malacanang matapos  maluklok  ang Pangulo sa  puwesto  at tiniyak  pa  na  ipagdarasal nito si pangulong  Duterte  at ang  kanyang  administrasyon.

Nagpasalamat ang  Malacanang  sa naiambag  ni Cardinal Vidal  sa  simbahan  at  mga  nagawa para  sa espiritwal  na kagalingan  ng  mga  mananampalatayang  katoliko.

“The Palace condoles with the Cebu faithful on the demise of Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal this morning.

President Rodrigo Duterte and Cardinal Vidal had a friendly, cordial relationship.  The good cardinal paid a courtesy call to Malacanan shortly after PRRD assumed office and assured the Chief Executive of his fervent prayers for him and his administration.

We are thankful for the kind bishop’s pastoral role of the Catholic faithful,” ang  mensahe  ni Abella.

Si Cardinal Vidal ay pumanaw sa  edad  na  86   sa  Perpetual Succor  Hospital sa  Cebu matapos  isugod noong  October  11 dahil nahihirapang  huminga. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?