62
Palasyo nakiramay sa pagpanaw ni Armida Siguion-Reyna
By

Palasyo nakiramay sa pagpanaw ni Armida Siguion-Reyna

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ng batikang singer-actress at dating MTRCB chairman na si Armida Siguion-Reyna.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malaking kawalan sa larangan ng sining at pelikula ang pagpanaw ni Reyna.

Ayon kay Panelo, nakilala si Reyna bilang matapang, maprinsipyo at magaling sa kanyang napiling larangan.

Ang dating MTRCB chief aniya ang nagtanggol ng mga pagbabago sa pinilakang tabing partikular ang artistic liberties at free expression.

“This woman was one who had an independent mind of her own, and a principled citizen. She has demonstrated this kind of character all throughout her career especially when she was chairman of MTRCB where she defended artistic liberties in cinema,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na nakikiisa ang Malacañang sa pagdarasal para sa ikapapanatag ng kaluluwa ni Reyna.

“Her voice whether singing kundimans or advocating free expression will be missed by many of us, so we pray for the eternal repose of her soul and may perpetual light shine upon her,” dagdag pa ni Panelo.

Si Armida Siguion-Reyna ay pumanaw sa edad na 88 noong Pebrero 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?