29

Sep 9, 2021 @ 14:04
By

Palasyo nakabantay sa epekto ng bagyong Jolina, hagupit ng bagyong Kiko

Nakamasid ang Malacañang sa mga kaganapan sa bansa dulot ng epekto ng bagyong Jolina at ang mga paghahanda ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa pagdating ng bagyong Kiko.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na batay sa report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mahigit dalawang libong pamilya ang nailikas na sa 131 evacuation centers matapos ang pananalasa ng bagyong Jolina sa banaa.

“We are closely monitoring the developments of the operations for tropical storm Jolina and preparations for typhoon Kiko,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na mayroong quick response fund ang DSWD na P442.9 million sa Central Office at P11.2 million dito ay naipadala na sa field offices nila sa MIMAROPA, region 5, region 6, at region 8; at P32.5 million ang nasa ibang field offices ng ahensiya na maaaring pansuporta sa pangangailangan ng mga naapektuhang pamilya dahil sa bagyo.

Nakahanda na rin ang mahigit 12 libong family food packs sa Disaster Response Centers.

Sinabi nj Roque na kumikilos na ang mga kaukulang ahensiya para sa clearing operations mula sa mga lugar na sinagasaan ng bagyong Jolina , kasama na rito ang pagpapanumbalik sa supply ng kuryente.

Hiniling ng Palasyo sa publiko na manatiling alerto at sundin ang mga pag-iingat at minimum public health standards, at makipagtulingan sa mga otoridad sakaling kailanganin ang paglilikas para makaiwas sa peligro ng padating na bagyong si Kiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?