26

Dec 19, 2017 @ 12:09
By

Palasyo nakaabang sa resulta ng Senate Dengvaxia probe



Kinalampag ng Malacanang ang lahat ng ahensya at opisyal ng pamahalaan upang hindi na maulit ang nangyari sa Dengvaxia issue na gumastos ng P3.5 billion ang pamahalaan para sa dengue pero pumalpak.

Iginiit ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na mahalagang masiguro na mayroong responsable sa nangyari sa Dengvaxia kasunod ng napipintong pagsusumite ng Senado ng kanilang report hinggil sa anomalya.

Ayon kay Andanar, kaisa ang Palasyo sa pag-aabang sa resulta ng imbestigasyon upang mapanagot ang mga dapat managot.

Una nang inihayag ng Senado na posibleng ilabas na nila ang kanilang report sa naturang anomalya matapos ang ilang araw na pagdinig. Aileen Taliping

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?