12

By

Palasyo nagpatulong sa KBP para sa national ID system

Sharing is caring!

Hiniling ng Malacañang ang tulong ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) para sa information campaign at implementasyon ng National Identification System.

Ang national ID system ay inaasahang mapasimulan sa unang quarter ng 2019 para sa mas mabilis at maayos na transaksiyon sa gobyerno.

Ang kahilingan ay ginawa ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar sa kanyang pagdalo sa Top Level Management Conference ng KBP sa Mariott Hotel Manila.

Sinabi ng kalihim na malakas at malawak ang impluwensiya ng radyo sa buong bansa kaya’t makatutulong ito para maipaintindi sa mamamayan ang layunin at bentahe ng National ID system.

Sisimulan ng Philippine Statistics Authority ang registration ng isang milyong indibidwal sa ilalim ng Unconditional Cash Transfer sa March 2019 na unang prayoridad sa naturang programa.

Sinamantala na rin ni Andanar ang pagkakataon para tiyakin sa mga broadkaster at mga manunulat ang mas ligtas na kapaligiran sa kanilang propesyon.

Ipinagmalaki ng kalihim na sa nakalipas na dalawang taon ay naging mas ligtas ang mga mamamahayag sa bansa dahil na din pagbuo ng Duterte administration sa Presidential Task Force on Media Safety na nangangalaga sa kapakanan ng media at tumututok din sa kaso ng mga napaslang na media sa mga nakalipas na administrasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?