27

By

Palasyo nagpasalamat sa suporta ng Pinoy sa martial law

Sharing is caring!

Nagpasalamat ang Malacañang sa patuloy na pagsuporta ng mas nakararaming Pilipino sa martial law sa Mindanao.

Sa harap na rin ito ng survey ng Social Weather Stations na 54% ng mga Pinoy ay sang-ayon sa umiiral na martial law sa Mindanao habang 30% ang kontra rito.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, malaking bagay na nakikitang sinusuportahan ng mas nakararaming mamamayan ang idineklarang batas militar ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil ang layunin naman nito ay para harapin ang problema sa terorismo lalo na sa Marawi City.

“Well, we’re certainly thankful that the majority of the Filipino people have shown support for the declaration of martial law ‘no. Note that although only 50 plus responded that they support the declaration of martial law, the undecided is still in two figures ‘no. So it could be that the number of individuals supporting could still increase.

“So we feel that the declaration was very much justified and we appreciate the support of the people for such a declaration,” ani Roque.

Ang SWS survey ay ginawa noong buwan ng Setyembre.

Nakatakda namang magtapos ang martial law sa Mindanao sa Disyembre 31, 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?