151

Oct 10, 2018 @ 19:58
By

Palasyo nagpasalamat sa paglusot ng Universal Health Care Bill

Pinasalamatan ng Malacañang ang Senado sa paglusot sa Universal Health Care Bill.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na ang pagbibigay-prayoridad sa Universal Health Care Bill ay patunay ng pagsasa-alang-alang ng gobyerno na mabigyan ng maayos na serbisyong pangkalusugan ang mga mahihirap at walang kakayahang gumastos sa pagpapagamot.

Ayon sa kalihim, malapit sa puso nito ang panukalang batas dahil siya ang principal author sa house version ng panukala.

“We thank the Senate for passing on third and final reading the landmark Universal Health Care Bill.”

On a personal level, the Universal Health Care Bill is close to me, for I was the principal author of the House version of the bill. I consider this measure groundbreaking because beneficiaries will be entitled to health coverage simply by virtue of their citizenship as Filipinos,” ani Roque.

Ang panukalang batas na nakalusot sa senado sa ikatlo at huling pagbasa ay nagsusulong ng karapatang pangkalusugan ng bawat Filipino.

Nakapaloob dito ang pagbibigay ng libreng paospital at gamot sa lahat ng Filipino, at pinapalawig nito ang serbisyo ng Philhealth.

Hindi kinakailangang maging miyembro o magbayad ng premium sa ilalim ng Universal Health Care Bill dahil ang kailangan lamang ani Roque ay patunayang ikaw ay Filipino para magkaroon ng benepisyong medikal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?