33
Abante-TnT--harry roque
Dec 14, 2017 @ 17:28

Palasyo, nagpasalamat sa Kongreso sa pag-apruba sa 2018 budget

Pinasalamatan ng Malacañang ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa ginawang pagpasa sa 2018 national budget.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na gagamitin ang pambansang budget para sa mga ipatutupad na reporma at pagbabago sa bansa.

Kabilang na aniya dito ang mga nakalinyang malalaking infrastructure projects sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program na inaasahang makakapagpabago sa buhay ng mga Pilipino.

Tinitiyak ni Roque na walang masasayang na pondo dahil mahigpit ang bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin nang maayos ang pera ng taumbayan.

“We thank Congress for ratifying the 2018 National Budget ‘no. The 2018 National Budget is a budget that seeks to reform and transform. And with its approval, we hope to provide sufficient funding for the administration’s thrust and priority programs in reducing inequality, maintaining the foundations for a sustainable development, increasing our growth potential and enhancing the social fabric as part of our continuing agenda of genuine change and positive transformation of our people.

“So we assure everyone that we will use people’s money to good use as we thank everyone for working diligently and spending countless hours in planning and crafting this budget until its passage,” ang pahayag ni Roque.

Sa katatapos aniyang Cabinet meeting nila sa Palasyo, mayroong bahagi ng pulong kung saan inilahad ng mga gabinete ang gastos ng kanilang mga ahensiya para matukoy ng Pangulo kung paano maayos na magagamit ang pondo ng bawat tanggapan ng gobyerno.

Bahagi ng inaprubahang P3.767 trillion 2018 national budget ay gagamitin ng gobyerno para maisulong ang mga local road projects, police body cameras, helicopters at gamot para sa mga cancer patient. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?