31

Dec 30, 2017 @ 16:58
By

Palasyo nagpasalamat sa ‘good’ rating ng gabinete

Nagpasalamat ang Malacañang sa publiko sa paborableng rating na ibinigay sa mga miyembro ng gabinete mula sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa SWS survey, nakakuha ng +38 net satisfaction rating ang gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginawa noong December 8-16.

Mas mataas ito ng anim na puntos mula sa nakalipas na survey.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang +38 satisfaction rating na ikinunsiderang “good” ng SWS ay pinakamataas na satisfaction rating na naibigay sa gabinete simula noong 1990.

“We thank our people for giving their seal of approval to President Duterte’s Cabinet with a net satisfaction rating of +38, as disclosed by the Dec. 8-16 Social Weather Stations survey,” ani Roque.

Sinabi pa ng kalihim, na magsisilbing inspirasyon ang resulta ng survey para lalo pang paigtingin at doblehin ng mga miyembro ng gabinete ang kanilang trabaho lalo na sa pagpasok ng 2018 para mabigyan ng kumportableng buhay ang mga Pilipino sa ilalim ng mapagkakatiwalaang pamahalaan. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?