384

Sep 10, 2021 @ 20:42
By

Palasyo nagpaliwanag sa sorry ni Duterte sa napatay na Chinese drug suspect

Nagpaliwanag ang Malacañang kung bakit nag-sorry si Pangulong Rodrigo Duterte sa napatay na Chinese drug suspects sa magkahiwalay na drug bust operations sa Zambales at Bataan noong Martes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mayroong katungkulan ang lahat ng mga bansa na pangalagaan ang mga dayuhang nasa kanilang teritoryo.

Gayonman, mayroon din aniyang tungkulin ang mga otoridad na ipatupad ang batas para sa mga lumalabag dito, at hindi exempted dito ang mga dayuhang gumagawa ng iligal na aktibidad.

“Mayroong katungkulan ang lahat ng bansa sa mga dayuhan na nasa kanilang teritoryo. And the President said that the deaths were in fact by way of collateral damage to a legitimate sovereign exercise of police power,” ani Roque.

Agad pinuna ng mga kritiko ang paghingi ng paumanhin ng Pangulo sa pagkamatay ng apat na Chinese drug suspects dahil hindi naman ito umano ginagawa sa mga napapatay na mga Pilipinong sangkot sa iligal na droga.

Sa naganap na matagumpay na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng iba’t ibang law enforcement agencies, apat na Chinese drug suspects ang napatay ng mga otoridad at bilyon-bilyong halaga ng shabu ang nasamsam sa mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?