206

Dec 29, 2019 @ 18:55
By

Palasyo nagbabala sa mga rebelde: ‘Wag nang baliin ang ceasefire!

Binalaan ng Malacañang ang mga rebeldeng grupo na huwag na muling umatake sa kasagsagan ng ceasefire para sa holiday season.

Matatandaan na tinuturo ang New People’s Army bilang mga nagpaputok sa militar noong Disyembre 23 sa Labo, Camarines Norte at Tubungan, Iloilo kung saan isang sundalo ang namatay habang walo naman ang sugatan.

Tinanggi naman ito ng National Democratic Front, sinabi na kaya nagpaputok ang ilang miyembro ng NPA ay gumanti lang mula sa opensiba ng mga militar at pulis.

“Whatever the reason is, pinagbigyan sila ni Presidente. Kaya huwag na nila ulitin,” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Saad pa ni Panelo, tuloy pa rin ang usapin sa peace talks sa mga rebeldeng grupo, ngunit dapat aniya ay umuwi sa Pilipinas si Communist of the Philippines founder Jose Maria Sison para mapatunayang sinsero ito.

“He should come home so they can have a one-on-one meeting. If he does not come here, that means, he is afraid and he is not sincere,” saad ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?