By

Palasyo, nag-sorry sa perwisyo ng ASEAN Summit

Sharing is caring!

Humingi ng dispensa ang Malacanang sa publiko lalo na sa mga motoristang naapektuhan sa mga isinarang kalsada sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) at Roxas Boulevard sa panahon ng pagdaraos ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokeman Harry Roque na batid ng Palasyo na maraming commuters at mga pribadong motorista ang naapektuhan sa loob ng tatlong araw hinihingi aniya ang pang-unawa ng mga ito.

Ipinagmalaki ni Roque na isang malaking tagumpay ang idinaos na ASEAN summit sa bansa at ang naging kapalit ng mga sakripisyo ay ang paghanga ng buong mundo s a kakayahan ng Pilipinas na magdaos ng pandaigdigang aktibidad.

“Merong mga naabala lalong-lalo na doon sa closure ng EDSA, pasensya na po kayo. Ang naging kapalit naman ay ‘yung paghanga ng buong daigdig sa kakayahan ng bansang Pilipinas.It was a tremendous success,” sabi ni Roque.

“But thanks to the cooperation of the Filipino people, we averted such incidents. And the world community now recognizes not only the fact that the Philippine President is not just the President of the Philippines, a leader of Southeast Asia, but a recognized leader in the international community,” dagdag pa nito.

Ipinagpasalamat din ni Roque na walang ano mang naging kaguluhan o malaking karahasang naganap sa bansa maliban sa insidente ng pukpukan ng mga raliyista at mga pulis na nagpipilit makalapit sa mga lugar na pagdarausan ng Asean summit. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?