64

Jul 3, 2020 @ 15:10
By

Palasyo: Mga terorista nakawala sa pagpatay ng mga pulis sa 4 sundalo

Nanghinayang ang Malacañang dahil sa pagkamatay ng apat na intelligency member ng Philippine Army na tinitiktikan ang dalawang pinaghihinalaang bomber ng mga terorista sa Jolo, Sulu.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, dahil sa pagbaril sa apat na sundalo ng mga miyembro ng Jolo police ay naapektuhan ang operasyon ng Army.

“Nakakalungkot po na in addition doon sa nawalan ng buhay sa ating kasundaluhan eh nakawala po yung mga teroristang hinahabol ng ating hukbong sandatahan,” saad ni Roque nitong Biyernes.

Nilarawan ng pulis na ‘misencounter’ umano ang nangyari sa apat na sundalo, ngunit taliwas naman ito sa opinyon ni Army commander Lt. Gen Gilbert Gabay na tinawag na ‘rubout’ ang ginawa sa kanyang apat na tauhan.

Sa ngayon ay ikinasa na ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation para sa mga sangkot sa pamamaril sa apat na intelligence personnel.

Tututukan din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing insidente, na napaulat na makikipagkita sa siyam na pulis na tinuturong may kinalaman sa pagkamatay ng apat na sundalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?