39

Jun 9, 2020 @ 17:08
By

Palasyo: Mga jeepney driver gagawing taga-deliver

Dahil pinagbabawal pa rin sa pagsasakay ng pasahero, plano ng gobyerno na maging taga-deliver ang mga nawalang trabaho na mga jeepney driver.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ay hindi pa pinag-iisipan ang pagbabalik ng mga jeepney sa lansangan para sa public transportation dahil hindi umano napapatupad dito ang social distancing.

Gayunpaman, plano umano ng Department of Transportation na tapikin ang mga tsuper ng jeep sa pagde-deliver.

Saad ni Trade Secretary Ramon Lopez, pwede naman umanong magpatulong sa gobyerno ang mga jeepney driver para makakuha ng sinusulong na modern PUV sa modernization program na magpe-phase out sa mga lumang jeepney.

Una na ring sinabi ni Roque na pwede rin umanong gawing contact tracer ang mga nabakanteng tsuper.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?