37

Oct 26, 2021 @ 16:34
By

Palasyo: Mga bagets pwede maglagalag, wag lang sa dolomite beach

Maaaring lumbas ang mga menor de edad sa ilalim ng Alert Level 3 sa Metro Manila.

Ani Presidential spokesperson Harry Roque, maaari namang magpunta sa mga open area ang mga bagets, huwag lang sa matataong lugar tulad ng Manila Bay Dolomite Beach.

“As a general rule, stay home pa rin ang mga bata habang hindi pa sila bakunado. Pero may exception naman po iyon, puwede silang lumabas for exercise, puwede silang lumabas sa open areas dahil importante rin po iyan sa mental health,” ani Roque.

“Siguro ang dapat lang nating i-emphasize eh, hindi pa rin dapat ibiyahe ang mga bata doon sa mga sites na ganito,” dagdag pa niya.

Ngayong araw ibinaba ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang direktiba na nagbabawal sa mga may edad 12 anyos pababa na magpunta sa naturang beach.

“Children age 12 and below will not be allowed entry to the Manila Baywalk Dolomite Beach starting today, Oct. 26, with respect to the guidelines of IATF,” saad nila sa isang pahayag.

BASAHIN: Mga 12 anyos pababa ekis na sa dolomite beach – DENR

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?