142
Tulong para sa mga biktima ng lindol, tiniyak ng Malacañang
Jul 25, 2019 @ 13:32
By

Palasyo masaya sa record-high satisfaction rating ng gabinete

Ikinatuwa ng Malacañang ang magandang satisfaction rating na nakuha ng mga gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa survey na inilabas ng Social Weather Stations.

Mula sa dating “good” na +44 noong Marso ay nakakuha ng record-high na “very good” +51 nitong Hunyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan na nakakuha ng very good rating ang mga miyembro ng gabinete.

Ayon kay Panelo, ang survey result ay isang matibay na patunay na maraming Pilipino ang naniniwalang kumikilos at ginagawa ng administrasyon ang lahat para sa kapakanan ng mga Pilipono.

“The Palace is pleased to learn about the net satisfaction rating of the President’s cabinet. This survey is important as it is demonstrative of the sentiment of the Filipino people, indicating that they are starting to experience a working government that addresses their welfare,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na mas lalo pang magsisikap at magdo-double time sa trabaho ang mga gabinete para makamit ang inaasam na pagbabago sa bansa sa nalalabing termino ni Pangulong Duterte.

“As we congratulate the individuals of the President’s official family, the people’s favorable satisfaction on their work should propel them further to continue performing their jobs with dedication and efficiancy as they deliver genuine change for the benefit of our nation during the remainder of the President’s term,” dagdag pa ni Panelo.

Ang SWS survey ay ginawa noong June 22-26, na itinuturing ng Malacañang na malaking bagay para sa mga gabinete ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?