14

By

Palasyo masaya kay Honasan bilang DICT Sec.

Sharing is caring!

Ikinatuwa ng Malacañang ang pagtanggap ni Senador Gregorio Honasan sa alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na pamunuan ang Department of Information and Communications Technology o DICT.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tiwala ang Malacañang na mabibigyang direksiyon at maayos na mapangasiwaan ni Honasan ang DICT lalo na ngayong pumasok ang bagong major player sa telecommunications industry.

“We are glad that Senator Gregorio Honasan has accepted the offer of the President to join his official family and head the Department of Information and Communications Technology (DICT).

We are confident that the senator would provide good direction and sound management to the DICT, consistent with the President’s priority programs beneficial to Filipino consumers in the areas of information, communications and technology,” ani Panelo.

Tiniyak ng kalihim na agad isasapubliko ang appointment paper ni Hosanan sa sandaling matanggap ito ng kanyang tanggapan.

Hangad aniya ng Palasyo na maayos na maipatupad ni Honasan ang tunay na reporma sa DICT.

“For now, we congratulate Senator Honasan and wish him all the best as he undertakes genuine reforms in the DICT,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?