10

Feb 10, 2021 @ 16:18
By

Palasyo magpapatawag ng Food Security Summit

Magpapatawag ang Malacañang ng Food Security Summit para mapalakas at mapahusay ang agri-fishery sector sa harap ng mga problemang kinakaharap ng sektor ng agrikultura.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang summit ay pangungunahan ng Department of Agriculture para matalakay ang mga kinakaharap na hamon ng bansa partikular sa mataas na presyo ng karne ng baboy, mababang presyo ng palay at ang problema sa African Swine Flu.

Ayon sa kalihim, mahalaga ang papel ng local government units at stakeholders sa problema ngayon ng mga magsasaka, mamamalakaya at mga na poulty at hog industry kaya kasama sila sa inilalargang food security summit.

” The summit aims to develop a National Food Security Plan to achieve our vision of a food-secure and resilient Philipppines,” ani Roque.

Pareho aniyang makikinabang ang publiko at mga nasa sektor ng agrikultura sa sandaling mailatag ang national food security plan at hindi na makakaranas sa kakapusan ng supply ng mga pangunahing pagkain sa bansa at magkaroon ng matatag na presyo ang mga ito.

“It further seeks to present some models for agribusiness value-chain approach, LGU-led agri-fishery extension system, and strengthening the role and capacities of local proce coordinating councils and regional development councils,” dagdag ni Roque.

Hindi binanggit ng kalihim kung kailan itatakda ang nabanggit na summit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?