12

Oct 17, 2020 @ 12:44
By

Palasyo: Kopya ng 2021 nat’l budget ng Kongreso ibigay agad sa Senado

Pinuri ng Malacañang ang pagpasa ng 2021 national budget sa final reading sa Kongreso sakto sa pagtatapos ng special session nitong Biyernes.

Ito’y kasunod ng pagsertipika ng urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang panukalang batas.

“The Chief Executive has in many occassions articulated the importance of the timely passage of the budget, given that we are in the middle of the COVID-19 pandemic where we need resources to fund government interventions to mitigate the adverse effects of the virus,” ayon sa statement ni presidential spokesperson Harry Roque.

Bukod pa dito, inaasahan ng Palasyo na ma-transmit agad ng Kamara ang kopya ng P4.5-T national budget sa Senado para mabigyan ng sapat na masuri ang naturang measure.

Ayon kay appropriations committee chair Eric Yap, inaasahan na makarating sa Senado ang printed copy ng 2021 General Appropriations Bill sa October 28.

“Hindi ko pwedeng ipahiya ang Speaker [Lord Allan Velasco] ko. It will be on Oct. 28. But hindi siya yung hard copy. Kung ano yung sinubmit namin sa NPO [National Printing Office], ‘yun ‘yung ibibigay namin sa kanila which is ‘yung print lang, ‘yung sa white paper lang,” ayon kay Yap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?