62

May 8, 2018 @ 13:40
By

Palasyo kinumpirma ang pagbibitiw ni Teo

Nagbitiw na nga sa puwesto si Tourism Secretary Wanda Teo matapos ang kontrobersiya sa P60 million tv ads sa PTV4 na inere sa mga programa ng kanyang mga kapatid .

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagsumite ng resignation letter si Teo sa Office of the Executive Secretary bago ang one-on-one meeting nila ni Pangulong Rodrigo Dutere kagabi.

“I have a confirmation. There was a resignation letter that was submitted to the office of the Executive Secretary before the meeting with the President last night. This is confirmation coming from the Office of the Executive Secretary. No confirmation whether or not it has been accepted,but she tendered her resignation,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na bagama’t nagbitiw na si Teo hindi niya masabi kung may dapat itong panagutan batay sa inilabas na report ng Commission on Audit (COA).

“We don’t know what the facts are. I’m not privy to the investigation. So it is the investigation conducted by the Executive Secretary , and later investigation by the Ombudsman that would determine if she has in fact criminal liability,” dagdag pa ni Roque.

Hindi pa aniya nakita ng kalihim ang resignation letter ni Teo kaya hindi nito masabi kung ano ang nilalaman nito at dahilan para bitiwan ang kanyang puwesto.

Sinabi ni Roque na ipapaubaya na ng Malacañang sa Ombudsman na mag-imbestiga kung may dapat panagutang kriminal si Teo.

Inaasahan aniya ng Malacañang ang mabilis at transparent na imbestigasyon ng Ombudsman sa isyu kay Secretary Teo.

“Parang naunahan na ng resignation ni Teo ang pinal na rekomendasyon ng Executive Secretary . Pero ang pananagutan po, siyempre po yan ay isang isyu na tanging ang Ombudsman lang ang pupuwedeng magbigay ng kasagutan dahil ay constitutional dury ng Ombudsman,”pahayag pa ni Roque.

Sinabi pa ng kalihim na hindi naman ikinukonsidera ng Malacañang na “sign of guilt” ang resignation ni Teo, bagkus ay ginawa lamang nito ang inakalang tama bilang malapit na kaibigan ni Pangulong Duterte at nagpapasalamat aniya sila sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?