56

Nov 11, 2019 @ 19:40
By

Palasyo kinontra si Ressa: PH, war zone para sa mga sangkot sa droga, hindi sa media

Kinontra ng Malacañang ang pahayag ni Rappler CEO Maria Ressa sa isang interview na mas masahol pa sa isang war zone ang Pilipinas para sa mga media at parang nabubuhay sa impiyerno sa loob ng nakalipas na taon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na exaggerated si Ressa dahil hindi naman ganito ang sitwasyon sa bansa.

Maituturing lamang aniyang war zone ang bansa para sa mga sangkot sa iligal na droga at sa mga lumalaban sa mga awtoridad sa tuwing may buy-bust operations o kapag sinisilbihan ng warrant of arrest.

“She is always exaggerated. It is only a war zone to those who are involved in drugs and who resist violently any warrant of arrest being served to them, or when they are subject to a buy-bust operation and they violently resist as well as imperil the lives of the law enforcement officers,” ani Panelo.

Batay sa interview ni Ressa sa CBS nitong Linggo, inilarawan niya ang Pilipinas na mas masahol pa sa war zone para sa mga media at ang ginawang pag-aresto sa kanya ay para patahimikin umano ito ng Duterte administration.

Binigyang-diin ni Panelo na ligtas ang mga mamamahayag sa bansa, taliwas sa naging pahayag ng Committee to Protect Journalists dahil malaya aniyang nakakapag-cover ang mga mamamahayag pati na ang mga dayuhang mediaman na buhay namang nakakalabas ng bansa kahit pa minsan ay hindi kapani-paniwala ang mga iniuulat ng mga ito patungkol sa Pilipinas.

“As safe as you are… that’s their belief, but the fact is, every journalist whether here or abroad is free to cover any event here in this country and they come out alive and well, and very good at reporting even if at sometimes exaggerated,” dagdag ni Panelo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?