By

Palasyo kay VP Leni: Inaayos namin ang problema ng MRT

Sharing is caring!

Hindi pagtatakip sa mga pagkukulang ng administrasyon ang ginawang pagsasampa ng kaso laban sa mga dating opisyal ng gobyerno kaugnay sa isyu ng Metro Rail Transit System 3.

Tugon ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa patutsada ni Vice-President Leni Robredo na dapat nakabase sa matibay na ebidensiya ang kasong plunder na isinampa sa mga dating opisyal ng Aquino administration.

Sinabi ni Secretary Roque na sinikap ng administrasyon na maayos ang ipinamanang kapalpakan ng dating administrasyon sa MRT3 at katunayan ay nag-sorry pa si Pangulong Rodrigo Duterte sa perwisyong araw araw na idinudulot ng palpak na takbo ng mga train.

“We find the Vice President’s remarks unfortunate. With all due respect to Vice President Robredo, the MRT-3 issue is not about covering up shortcomings.

The Administration has faced the MRT-3 mess squarely. The President has even apologized over a recent train mishap and transport officials admitted that while they cannot solve the problems overnight they are working double time to restore the convenience and reliability of the MRT-3 by getting a proven maintenance firm and buying needed parts,” ang pahayag ni Roque.

Bukas naman aniya sa publiko na ang mga problema sa operasyon ng MRT3 ay nagsimula pa noong nakalipas na mga administrasyon at nagkapatong-patong na lang ngayon dahil sa hindi maayos na maintenance.

Binigyang-diin ni Roque na ang pagsasampa ng kasong plunder sa mga dating opisyal ay para mapanagot ang mga responsable sa maanomalyang kontratang pinasok ng dating administrasyon sa kumpanyang Busan Universal Rail Inc. (BURI), na nagsilbing maintenance provider ng MRT3.

” These officials facilitated the negotiated procurement of long-term maintenance contracts to BURI, which per the Supplemental Complaint Affidavit filed by the DOTr, “turned the DOTC as a bottomless cash cow entering into one anomalous procurement project,” ang dagdag pang pahayag ni Roque.

Sinabi pa ng kalihim na dapat palampasin na lang ng pamahalaan ang mga kasalanan at katiwalian noong nakaraang administrasyon na ugat ng pasakit ng kalahating milyong Pilipino na araw-araw na na sumasakay ng MRT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?