432

Oct 4, 2017 @ 13:56

Palasyo kay Trillanes: ‘Wag magtago sa parliamentary immunity

Hinamon ng Malacañang si Senador Antonio Trillanes IV na gawin sa labas ng Senado ang kanyang mga bintang laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at huwag isangkalan ang pagkakaroon nito ng parliamentary immunity.

Ang hamon sa senador ay ginawa ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo kasunod ng panibagong bintang na nagbayad umano ang Pangulo ng sampung milyong piso sa isang Daniel “snooky” Cruz kapalit ng mga dokumento umano ng kanyang bank accounts sa ibang bansa.

Si Cruz ang nagbenta umano ng mga impormasyon at mga dokumento sa Palasyo kaugnay sa mga off-shore accounts ni Trillanes sa iba’t ibang bansa.

Sinabi kahapon ni Secretary Panelo na mas mainam kung ipakita ni Trillanes ang kanyang tapang sa labas ng senado para makita kung may batayan ang lahat ng mga akusasyon nito.

“Kung talagang totoo ang sinasabi niya, I challenge him to deliver his speech outside of Congress. So that he cannot invoke his parliamentary immunity,” ang pahayag ni Secretary Panelo.

Sinabi pa ng kalihim na hindi na kailangan pang magbayad si Pangulong Duterte ng tao para lamang makakuha ng dokumento dahil may access ito ng ano mang impormasyon na nais nitong malaman dahil sa kanyang posisyon.

“It’s doubtful na magbibigay siya ng pera sa isang tao, because by the very nature of his position ay meron nga siyang access,” ang dagdag ni Panelo.(Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?