49

Nov 5, 2018 @ 16:16
By

Palasyo kay Sister Fox: Banat na ‘reign of terror’ sablay!

Malayo sa reyalidad ang banat ng Australian missionary na si Sister Patricia Fox matapos sabihing may ‘reign of terror’ sa bansa kaugnay sa crackdown ng gobyerno sa mga sangkot sa illegal drug trade.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi reign of terror kundi dapat ‘reign of fear’ ang naisip ni Fox sa paghahalintulad sa Duterte administration.

Maigting na ipinapatupad ng mga awtoridad ang batas laban sa mga lumalabag nito kaya’t natural lamang na matakot ang mga kriminal dahil hahabulin sila ng mga awtoridad.

“Perhaps what she refers to is a reign of fear on the part of those who violate the law. They know for a fact that there is a reign of strict enforcement of the law against violators of the law. There is a reign of fear on the minds and hearts of those violators because they know that law is running after them,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na mahigpit na ipinapatupad ang batas sa bansa kaya maski ang Australyanang madre ay hindi nakaligtas dahil nilabag nito ang batas sa imigrasyon matapos sumama sa mga political rally kung saan ipinagbabawal ito sa mga dayuhan.

“Well, she was a violator, that’s precisely why she departed from this country. But that is not to say that we are not thankful of her services. As we have said, we are grateful for the good deeds she has performed. But that will not exempt her from the punishment imposed by law arising from violations of the same,” dagdag pa ni Panelo.

Hindi aniya apektado ang gobyerno kahit pa maglabas ng mga pahayag laban sa administrasyon ang na-deport na madre dahil malaya itong maghayag ng kanyang opinyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?