32

Jun 16, 2020 @ 19:14
By

Palasyo kay Ressa: Harapin ang hatol sa halip na mag-ingay

Pinayuhan ng Malacañang si Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa na tanggapin ang hatol ng korte sa kanya sa halip na ilihis ang isyu at isisi ang naging kapalaran nito sa gobyerno.

Sa harap na rin ito ng pilit pag-uugnay ni Ressa sa isyu ng press freedom sa guilty verdict nito kaugnay sa cyber libel case na isinampa laban sa kanya ng isang pribadong mamamayan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naiintindihan ng Palasyo ang sentimyento ni Ressa bilang resulta ng paghatol sa kanya ng korte.

“I advise Miss Ressa to just face the complaint/decision heads-on. Her sentiments are understandable given her present state of mind as a result of the guilty verdict handed down by a Manila trial court,” ani Roque.

Malaya aniya si Ressa na magsalita laban sa administrasyon dahil karapatan niya ito, patunay na hindi sinisikil ng gobyerno ang kalayaan sa pamamahayag, at mayroong umiiral na demokrasya sa bansa.

Binigyang-diin ni Roque na nilabag ni Ressa ang batas nang siraan nito ang reputasyon ng isang pribadong inidibiduwal.

Ipinaalala ni Roque na si Ressa mismo ang nagsabing kapag hindi ginamit ang karapatan ay mawawala ito, kaya ginamit aniya ni Wilfredo Keng ang karapatan nito nang siraan siya ng Rappler CEO.

“The private individual who Miss Ressa besmirched simply exercised his rights against abusive persons who wield power and influence, including journalist like Maria Ressa,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?