72

Aug 23, 2018 @ 15:28
By

Palasyo kay Peter Lim: Sumuko ka na!

Pinayuhan ng Malacañang ang suspected drug lord na si Peter Lim na sumuko sa batas sa halip na magtago sa mga awtoridad.

Kasunod ito ng ulat na hindi na makita si Lim matapos maisyuhan ng korte ng warrant of arrest kaugnay sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mas makabubuting lumantad si Lim at patunayan sa korte na inosente ito sa bintang laban sa kanya.

“We are asking Peter Lim please surrender. If you are innocent, prove your innocence in court. You will be given your day in court,” ani Roque.

Binigyang-diin ni Roque na kung hindi susuko si Lim ay mahahanap na rin ito ng mga awtoridad.

Wala aniyang dapat na ikatakot si Lim dahil napatunayan na sa buong mundo na mayroong umiiral na patas at independiyenteng hudikatura sa Pilipinas.

“Im not appealing, I’m just saying if you don’t surrender, we will still get you. But if you are innocent, then we guarantee that you will be given your day in court. We have I think proven to the whole world that we have an independent judiciary and we have nothing to fear by way of being a victim of injustice, we have competent courts, so I think you should surrender,” dagdag pa ni Roque.

Sinabi pa ng kalihim na batay sa impormasyon, hindi pa nakakalabas ng bansa si Lim taliwas sa naunang pahayag na nakapuslit na ito sa Malaysia.

Wala pa aniyang report ang tracker team na naghahanap sa kinaroroonan ng suspected drug lord. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?