81

Nov 30, 2017 @ 16:17
By

Palasyo kay Leni, oposisyon: Move on na sa ‘rev gov’

Pinayuhan ng Malacañang si Vice President Leni Robredo at ang oposisyon na mag-move on na at alisin ang pangamba sa isyu ng revolutionary government.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang dapat na ikaalarma ang Bise Presidente dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na magdedeklara lamang ito ng revolutionary government kapag lugmok na ang gobyerno.

Hindi naman aniya ganito ang sitwasyon ngayon kaya walang dahilan para magdeklara ang Pangulo.

“With all due respect to the Vice-President, I do not see what is alarming because the President had time and again said that he will only resort to revolutionary government kapag lupaypay no, pag naghihingalo na ang gobyerno. And of course hindi naman ganyan ang nangyayari ngayon,” pahayag ni Roque.

Bagama’t may ilan umanong mga opisyal ng gobyerno na nakikisali sa pagsusulong ng revolutionary government, sinabi ng kalihim na personal na paniniwala lamang nila ito.

Kung si Pangulong Duterte aniya ang tatanungin, sinabi ni Roque na walang pangangailangan para rito kaya pinayuhan anv oposisyon na tapusin na ang isyu dahil hindi ito mangyayari.

“Even if there are government officials there, that is their personal belief. I am the Spokesperson for the President and I am conveying to you the President’s position. There is no need for a revolutionary government

To the opposition, tapusin na natin ito, move on. Humanap na kayo ng ibang isyu,” ang dagdag na pahayag ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?