87
views

By

Palasyo kay Lacson: Hindi nagpapabaya ang gobyerno sa krimen

Sharing is caring!

Hindi nagpapabaya ang gobyerno at mga awtoridad laban sa mga nagaganap na krimen sa bansa.

Ito ang sagot ng Malacañang sa obserbasyon ni Senador Panfilo Lacson na nakakabahala ang mga insidente ng patayan kaya dapat gumawa ng hakbang ang pamahalaan na maiwasan ang kriminalidad sa halip na tumutok sa pagsupil sa iligal na droga.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na iginagalang nila ang pananaw ni Senador Lacson at hindi nila sinasalungat ito.

Binigyang-katwiran ni Roque na layunin ng anti-tambay campaign na maiwasan ang mga potensiyal na krimen sa lansangan.

“Naku po, iginagalang namin ang mga paningin ni Senator Lacson at kinikilala namin siya bilang kakampi at kaalyado ng administrasyon. Hindi kami sumasalungat sa pananaw ni Senator Lacson kaya nga itong anti-tambay campaign, this is also intended to prevent rather to suppress,” ani Roque.

Sinabi pa ng kalihim na ang police visibility ay para rin mahadlangan ang mga krimen dahil magdadalawang-isip ang mga kriminal na gumawa ng kalokohan kapag mayroong mga alagad ng batas sa paligid.

Sa kabila nito nagpasalamat pa rin si Roque sa senador at iginagalang aniya ng Palasyo ang opinyon nito.

“Paulit-ulit nating sinasabi na dahil hindi naman krimen ang tumambay, ang ginagawa natin kampanya laban tambay is in fact intended to increase police visibility gaya ng sinasabi ni Senator Lacson. Ang police visibility siyempre is intended to prevent and not just suppress crimes. Sa aking pananaw , walang pagkakaiba sa estratehiya na pinapatupad ngayon ng administrasyon ni Presidente Duterte sa minumungkahi ni Senator Lacson. Pero gayunpaman, nagpapasalamat kami dito sa mga mungkahi ni Senator Lacson,” dagdag pa ni Roque. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?