56

Sep 12, 2019 @ 20:50
By

Palasyo kay Joma Sison: ‘Wag kang pakasiguro

Hindi nakakasiguro si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na hindi siya mapapauwi sa bansa para harapin ang mga kasong kinakaharap nito sa korte.

Tugon ito ng Palasyo sa naging pahayag ni Sison na hindi siya maaaring ma-extradite sa The Netherlands kung saan ito may refugee status.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mayroon nang pakikipag-ugnayan ang gobyerno sa The Netherlands para hilingin na i-revoke ang refugee status at pabalikin sa bansa si Sison.

Nasa desisyon na aniya ng Dutch government kung pagbibigyan o hindi ang hirit ng gobyerno para mapabalik sa bansa si Sison.

“If the Netherland government allows it, eh nasa sa kanila rin iyon. But until such time as he faces the music, may problema siya. He should unchain himself from that illusionary dream of ousting the present dispensation. 50 years plus na iyon eh,” ani Panelo.

Hindi na bago aniya ang mga pahayag ni Sison na may halong politika ang ginagawang panggigipit sa kanya ng gobyerno ng Pilipinas matapos itong maisyuhan ng warrant of arrest dahil sa kasong murder na kinakaharap nito.

Binigyan aniya ng pagkakataon si Sison para sumagot sa akusasyon pero mas pinili nitong iwasan at takasan ang mga isinampang kaso laban sa kanya.

“He always says that naman eh. Ang problema mayroon na siyang warrant, so moot and academic lahat ng mga sinasabi niya. They were given the opportunity to rebut the evidence submitted before the court, or prior to that, the preliminary investigation. Prosecutors found probable cause filed before the Regional Trial Court and the Court finds probable cause, oh eh papaano pa,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?