479
views
harry-roque
By

Palasyo kay Carpio: Hindi kailangang maging maingay sa WPS issue

Sharing is caring!

Hindi dapat ipagwagwagan pa ang mga ginagawa ng gobyerno lalo na ang usaping pang-diplomasya sa mainit na isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Tugon ito ng Malacañang sa puna ni Justice Antonio Carpio na tila wala umanong ginagawa ang gobyerno sa militarisasyon ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa WPS.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naman kailangang isapubliko ang lahat ng ginagawa ng gobyerno sa usapin ng territorial claim sa ngalan ng diplomasya.

Sa halip aniya na mag-ingay, hinikayat ni Roque si Carpio na repasuhin ang posisyon ng Pilipinas sa ASEAN tungkol sa usapin sa South China Sea o WPS.

Nakasaad aniya sa ASEAN declaration ang posisyon din ng iba pang mga bansa na umaangkin din sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Sinabi pa ni Roque na kinikilala niya ang pagiging makabayan ni Carpio pero hindi tamang sabihin na walang ginagawa ang gobyerno sa mga hakbang ng China sa WPS.

“I ask Justice Carpio, I appreciate your nationalism but come on look at the statements that we just made; by insisting on ASEAN’s statement, aren’t we asserting and working with other countries with similar claims? All other claimants are from ASEAN.

“We’re doing that. But not making a big deal out of it, because unfortunately in diplomacy, you don’t really have to announce everything that we are doing,” ani Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?