49

By

Palasyo kay Andaya: May pondo para sa BOL plebiscite

May sapat na pondo ang gobyerno para gastusan ang nakatakdang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kay Congressman Rolando Andaya bilang tugon sa pahayag nito na nabigo umano si Budget Secretary Benjamin Diokno na paglaanan ng pondo ang plebisito sa Enero 21 at Pebrero 6.

Ayon kay Panelo, kung walang sapat na pondo ang gobyerno ay sana kinansela na ang nakatakdang plebisito, pero dahil handang-handa na ang lahat, ibig sabihin ay mayroong panggastos ang gobyerno.

“Kung walang pondo eh di sana kinansel na iyon. ‘Di ba? Sana ni-reset na iyon, pinostpone [postpone] na. But obviously tuloy, so may pondo,” ani Panelo.

Hindi aniya apektado ang pondo para sa ilalargang plebisito kahit pa hindi naipasa ang 2019 proposed national budget na hanggang ngayon ay ginagawan pa rin ng ingay ng ilang mambabatas.

Tumanggi namang magkomento si Panelo sa tanong kung si Andaya ay isa sa mga nagpapakalat ng fake news dahil sa mga ibinibitiwan nitong pahayag laban kay Diokno at sa isyu ng pambansang budget.

Ayon kay Panelo, baka hindi lang nasabihan ng maayos si Andaya kaya nasabing walang pondo para sa plebisito sa ilang lugar sa Mindanao.

“Baka naman he was just misinformed that’s why iyong kaniyang basis eh, iyong statement niya mali rin. Let’s give the benefit of the doubt to everyone and sunder,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?