27

Feb 9, 2020 @ 17:04
By

Palasyo: Kanselasyon ng VFA dapat may dokumento

Maaaring ilabas sa Lunes ang dokumento na nagsasaad ng pagkansela ng gobyerno ng Pilipinas sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika.

“Kailangan mo siyempre ‘yun, may executive document or rather in writing ‘yung instruction sa opisyal mo. Hindi naman pwedeng verbal-verbal lang,” wika ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa Radyo Inquirer ngayong Linggo, Pebrero 9.

“Antayin natin na dumating ng Monday, bukas pagdating ng Presidente,” hayag pa niya.

Sarado ang mga tanggapan ng gobyerno kapag weekends at nasa Davao City sa ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaiba ito sa verbal orders ni Duterte, gaya ng pagbabawal sa paggamit at pag-angkat ng mga e-cigarette na agad inimplementa ng Philippine National Police.

Sabado sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hind wala pa siyang natatanggap na utos mula sa Pangulo na sabihan si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ipabatis sa US na ihihinto na ang kasunduang pinapayagan ang pananatili ng mga Amerikanong militar sa bansa.

Matatandaang binantaan ni Duterte ang kanselasyon ng VFA matapos kanselahin ng Estados Unidos ang visa ni Senador Bato Dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?