11

Sep 10, 2020 @ 20:16
By

Palasyo: Jennifer Laude hindi pamalit sa COVID vaccine ng Amerika

Itinanggi ng Malacañang na isinakripisyo ang kaso ni Jennifer Laude kapalit ng bakuna na posibleng makuha ng gobyerno sa Amerika kaya binigyan ng absolute pardon ang killer nito na si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi pamalit si Laude dahil nakamit aniya ang katarungan kaya nahatulan at nakulong si Pemberton.

Hindi aniya nabigo ang gobyerno sa kaso ng nasawing transgender dahil nanalo ang pamilya Laude at nahatulan si Pemberton.

“Hindi po pamalit si Jennifer Laude dahil nakamit po naman ang katarungan, napakulong po namin si Pemberton, nagbayad ng P4 million plus na danyos sa pamilya,” ani Roque.

Komportable aniya siya sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbibigay ng absolute pardon at kung mayroon nang bakuna kontra coronavirus disease ang Amerika, makikinabang ang maraming Pilipino.

“Ang personal na opinyon ko and the reason why I am comfortable with the decision is kung mayroon ngang vaccine, inaasahang makikinabang tayo,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?