29
politikop-BOC
By

Palasyo iwas-pusoy sa paglipat ng 2 ex-BOC officials sa DOTr

Sharing is caring!

Dumistansiya ang Malacañang sa paglilipat sa Department of Transportation (DOTr) sa dalawang dating opisyal ng Bureau of Customs na naugnay sa nakalusot na P 6.4 billion shipment ng shabu.

Sa harap ito ng puna ng mga kritiko na taliwas ito sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito kukunsintihin ang sinomang opisyal ng gobyerno na masasangkot sa korapsiyon kahit pa ugong lamang ito.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa hurisdiksiyon ng Department of Justice ang BOC at nagawa na ni Secretary Vitaliano Aguirre ang imbestigasyon sa nakalusot na shipment ng shabu.

Hindi lamang aniya nito matiyak kung kasama sina Gerardo Gambala at Milo Maestrecampo sa mga kakasuhan sa nabunyag na kontrobersiya.

“What I do know is that the DOJ has already concluded its preliminary investigation on this 6-billion drug haul. So they will be filing information in court and I have no information if the two individuals you are referring to will also be charged,” ang pahayag ni Roque.

Matatandaang nagbitiw sina Maestrecampo at Gambala sa kainitan ng imbestigasyon ng Senado sa nabunyag na nakalusot na drug shipment sa BOC subalit itinalaga sila ni Pangulong Duterte bilang Director IV ng Office for Transportation Security at Assistant Director General II sa Civil Aviation Authority of the Philippines na nasa ilalim ng DOTr. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?