33

Apr 15, 2021 @ 16:53
By

Palasyo itinangging pinapalaki WPS isyu

Kinontra ng Malacañang ang pahayag ng mga opisyal ng Chinese Embassy na pinapalaki ng gobyerno ang isyu sa West Philippine Sea (WPS), partikular ang pagkalat ng Chinese vessels sa mga pinag-aagawang teritoryo sa Spratly Islands.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kitang-kita naman sa mga lumabas na larawan na hindi umaalis ang mga Chinese vessel sa lugar na nagsimula sa Julian Felipe Reef at kumalat lamang ang mga ito sa ibang lokasyon.

“Let’s just say that the presence of the vessels is a statement of fact,” ani Roque.

May mga ginagawa nang aksiyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) para umalis ang mga barko sa lugar.

Tumanggi namang ihayag ni Roque ang mga ginagawang aksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu dahil mayroon aniyang exception sa freedom of information.

Pero tinitiyak ni Roque na mayroong ginagawa ang Pangulo na hindi madedehado ang mga Pilipino.

Ang larangan ng diplomasya, isang exception to freedom to information. Kung ano man ang ginagawa ng Presidente hayaan na nating gawin niya iyon sa isang pribadong pamamaraan. Kaya iyan covered ng exceptions dahil the President must make the right decision no matter what,” dagdag ni Roque.

Naniniwala ang kalihim na malaki ang magagawa ng magandang ugnayan ng Pilipinas at China sa paglutas sa problema sa WPS alang-alang sa kanilang magandang pagkakaibigan.

“Let’s leave the President to his devices. Naipakita naman po niya na so far in the past five years of his administration we have moved from a position of antagonism with China to position of friendship at malaki naman ang napapakinabangan natin ngayong nag-uusap tayo sa bansang China,” wika ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?