By

Palasyo ibinida ang masiglang kalakalan, pamumuhunan sa bansa

Sharing is caring!

Ipinagmalaki ng Malacañang ang sumisipang sigla ng kalakalan sa bansa sa pagsisimula ng 2018.

Sinabi ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, hindi maaaring balewalain ang ipinapakitang sigla ngayon ng merkado dahil sa sunod-sunod na araw na record level at pagsasara ng Philippine Stock Exchange Index.

Bukod dito, sinabi ni Lopez na sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 50 taong kasaysayan ng bansa ay nakapagtala ng P617 bilyong pamumuhunan ang Board of Investment (BOI) na record level.

Ang lahat aniya nito ay dahil sa tumataas na kumpiyansa ng mga dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas at naniniwalang gaganda ang takbo ng mga kompaniya dahil sa gumagandang takbo ng ekonomiya.

“Iyon nga hong mga ni-register natin sa BOI ay record level na po kami na P617 billion na never achieved… we never achieved in the 50-year history,” ani Lopez.

Isa pa aniyang pinanggagalingan ng kumpiyansa ng mga negosyante ay dahil sa nakikitang tuloy-tuloy na paglago ng gross domestic product ng bansa.

Sinabi ni Lopez na lumalaki ang production capacity at dumadami ang employment na indikasyong may pera ang mga tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?