66

Mar 28, 2018 @ 15:34
By

Palasyo: Huwag kalimutan ang diwa ng Semana Santa

Pinaalalahanan ng Malacañang ang publiko partikular ang mga Katoliko na huwag kalimutan ang tunay na diwa ng Semana Santa sa gitna ng pagsasaya.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na panahon ng pagninilay-nilay kaya’t maglaan ng panahon para malaman ang tunay na diwa ng Semana Santa.

Mahalaga aniyang payabungin ang aspetong espiritwal kahit man lang sa panahon ng kuwaresma at intindihin ang ginawang pagpakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo para tubusin ang kasalanan ng sangkatauhan

“Well sa atin pong paggunita ng kuwaresma ay napakagandang balita naman po ang nasa Bibliya na samantalang napako po si Kristong ating Panginoon at namatay ay magkakaroon po ng pangalawang pagkabuhay at ang ating pangalawang pagkabuhay po ay buhay na walang hanggan,” ani Sec. Roque.

Hinimok din ng kalihim ang mga katoliko na magdasal sa gitna ng kasiyahan at ilang araw na bakasyon saan man naroon ang mga ito.

Karamihan sa mga tao sa Metro Manila ay umuwi sa mga probinsiya hindi para maging relihiyoso sa panahon ng Semana Santa kundi para magsaya at magtampisaw sa mga beaches o umakyat sa mga bundok para sa kanilang bakasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?