71

Dec 20, 2017 @ 16:26
By

Palasyo hugas-kamay sa zero budget ng oppositon solons

Dumistansiya ang Malacañang sa isyu ng hindi paglalaan ng budget sa 28 kongresista na kritikal sa administrasyon sa nilagdaang 2018 National Budget.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang kumpas si Pangulong Rodrigo Duterte sa budget dahil hindi naman siya ang nagdedesisyon sa pondo ng mga mambabatas.

Hindi aniya nakikialam ang Malacañang sa desisyon ng liderato ng Kamara o maging ng senado pagdating sa budget ng mga mambabatas.

Binigyang-diin ng kalihim na ang paglalaan ng pondo sa mga mambabatas ay wala sa kamay ng ehekutibo kundi ito ay nasa lehislatura.

Sinabi ni Roque na mas mabuting tanungin si House Speaker Pantaleon Alvarez ng mga mambabatas na may concern sa kanilang budget para sa susunod na taon para malinawan kung bakit hindi sila pinaglaanan ng pondo para sa kanilang mga pinaplanong proyekto sa kanilang constituents.

Matapos malagdaan ni Pangulong Duterte ang pambansang budget para sa 2018 ay agad na umalma sina Congressmen Edcel Lagman, Bolet Banal, Kaka Bag-Ao at ilan pang miyembro ng oposisyon dahil tinanggalan sila ng budget. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?