39

By

Palasyo hugas-kamay sa impeachment case vs Sereno

Sharing is caring!

Wala umanong kamay ang Malacañang sa umiinit na pagbusisi sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Kasunod na rin ito ng ulat na tila ngayon pa lamang naghahanap umano ng ebidensiya si Atty. Larry Gadon at ilang mambabatas para mapanindigan ang mga bintang laban sa chief justice.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang mga mismong kasamahan ni Sereno ang nagbibigay ng mga ebidensiya kaya huwag aniyang idamay ang Malacañang.

Bahala na aniya ang mga mambabatas na gampanan ang kanilang tungkulin sa inihaing impeachment complaint.

Sa pagkaintindi aniya ng kalihim ay mayroon pang ilang justices ang tetestigo laban kay CJ Sereno.

“We will leave it to Congress to perform its Constitutional task. Having said that, take note that it is the Chief Justice’s own peer giving the evidence against her. So don’t look at Malacañang please,” ang pahayag ni Roque.

Matatandaang noong nakalipas na linggo ay humarap sa pagdinig ng Kamara si Associate Justice Teresita de Castro at inilabas ang mga impormasyong posibleng magdiin kay Sereno kaugnay sa mga bintang laban sa kanya. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?