32

Sep 29, 2021 @ 15:56
By

Palasyo hinimok ang mga kabataan na magparehistro, huwag last minute!

Nanawagan ang Malacañang sa publiko, partikular na sa mga kabataan na samantalahin ang pagkakataong makapagparehistro at huwag gawin ang nakasanayang last-minute registration.

Ang panawagan ay ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos maglabas ng resosluyon ang Commission on Elections (Comelec) na palawigin pa hanggang Oktubre ang voter registration para sa 2022 elections.

Nakatakda sanang magtapos ngayong katapusan ng Setyembre ang voter registration subalit marami ang humiling na i-extend ito dahil sa epekto ng pandemya.

Ayon kay Roque,mayroon ng sapat na panahon ang mga kuwalipikadong mga botante para magpatala at makaboto sa susunod na eleksiyon.

“We call on all eligible voters, especially the youth, to register early, and not resort to last-minute registration, while adhering to minimum public health standards,” ani Roque.

Isa aniyang positibong hakbang ang naging desisyon ng COMELEC na pagpapalawig sa voter registration lalo na sa mga panahong patuloy na hinaharap ng gobyerno at publiko ang krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

“The resolution of the COMELEC to extend voter registration for the 2022 elctions is a positive development in light of the extraordinary circumstances brought by the COVID-19 pandemic,” dagdag ni Roque.

Hinimok ng kalihim ang lahat ng mga botante na gamitin ang karapatang bumoto at pumili ng inakalang makakatulong sa sambayanan at maayos na magpatakbo sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?