9

Sep 13, 2020 @ 21:53
By

Palasyo hiniling agarang paggaling ni Tagle

Pinagdasal ng Malacañang ang mabilis na pagrekober ni Congregation for the Evangelization of Peoples prefect Luis Antonio Cardinal Tagle matapo itong tamaan ng COVID-19.

“We extend our prayers of speedy recovery and good health to Cardinal Luis Antonio Tagle following the unfortunate news that he had recently contracted Covid-19, and entreat the public to pray for the good Cardinal as well,” ayon sa nilabas na pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar.

“May his recovery be immediate so that he can continue to fulfill his good works, and be an inspiration to the Catholic faithful to continue the fight against Covid-19 and be on our way to heal and recover as one nation,” aniya pa.

Nitong Biyernes ay kinumpirma ng Vatican na nagpositibo sa COVID-19 ang dating Manila Archbishop matapos itong lumapag sa Maynila.

Wala naman umanong nararamdamang sintomas si Tagle, at sumasailalim ngayon sa quarantine.

Si Tagle ang kauna-unahang miyembro ng Roman Curia na kinapitan ng virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?