14

Aug 5, 2021 @ 15:49
By

Palasyo: Hindi tayo mauubusan ng pondo sa ayuda

Tiniyak ng Malacañang sa publiko na hindi mauubusan ng pondo ang gobyerno para sa cash aid ng mga Pilipino na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ani Presidential Spokesperson Harry Roque, batay kay Finance Secretary Sonny Dominguez kabilang sa pinagkunan ng pondo ang dividends ng mga government owned and controlled corporations at savings ng iba’t ibang ahensiya.

“Hindi po tayo mauubusan ng pondo, iyan ang assurance natin sa taumbayan,” saad ni Roque sa press briefing.

Bukas, Agosto 6 nakatakdang isailalim ang Metro Manila sa ECQ dahil sa banta ng Delta variant.

Nauna na niyang sinabi na naglaan ang gobyerno ng P13.1 bilyon para bigyan ng ayuda ang mahihirap na pamilya sa Metro Manila na apektado ng dalawang linggong ECQ mula Agosto 6 hanggang Agosto 20.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?