26

Jan 2, 2018 @ 13:18
By

Palasyo, hindi papayag na maparalisa ang operasyon ng ERC

Tiniyak ng Malacañang na gagawa ng paraan para hindi maparalisa ang operasyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) matapos masuspinde ng Ombudsman ang apat na commissioners nito.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na pinag-aaralan na ng Office of the Executive Secretary ang mga mungkahi at mga legal na hakbang para hindi makompromiso ang trabaho sa komisyon.

Kabilang dito ang mungkahi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na posibleng pagtalaga ng officer-in-charge para magtuloy-tuloy ang operasyon ng ERC .

“Pinag-aaralan na ng tanggapan ng Executive Secretary kasi alam ni Presidente hindi pupuwede na mawalan ng mga commissioner ang ERC sa dami ng mga pending na PSA. At totoo ‘yung sinabi ni Chairman Devanadera kung mapa-paralyze ng isang taon ang ERC, talagang magkaka-brownout tayo,” ani Roque.

Aasahan aniyang aaksiyon si Pangulong Duterte bago matapos ang Enero.

“Mayroong gagawin ang Presidente diyan. Pero lilinawin ko lang po, hindi po tayo sang-ayon na nabalewala iyong suspension order just because we don’t want to paralyze ito,” dagdag pa ni Roque.

Matatandaang sinuspinde ng Office of the Ombudsman ng isang taon sina ERC commissioners Gloria Victoria Yap-Taruc, Alfredo Non, Josefina Patricia Magpala- Asirit at Geronimo Sta. Ana dahil sa mga kasong simple neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of service aggravated by simple misconduct.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?