10

Sep 10, 2021 @ 17:45
By

Palasyo hindi makikialam sa Ombudsman

0Iginagalang ng Malacañang ang mungkahi ng Office of the Ombudsman na kasuhan at ipakulong ang mga magkokomento sa statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inirerespeto nila ang posisyon ni Ombudsman Samuel Martires at hindi makikialam ang ehekutibo dito.

Ang Ombudsman aniya ay isang constitutional body at labas na ang Palasyo sa mga aksiyon o desisyon nito.

“Well nirerespeto namin ang mga opinyon ng Ombudsman dahil siya po ay isang constitutional body. We respect his opinion po,” ani Roque.

Plano ni Ombudsman Martires na imungkahi ang pag-amiyenda sa Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees sa Kongreso.

Sinabi ni Martires na naging biktima siya ng ilang media outfits na nagkomentaryo sa kanyang SALN nang hindi muna niliwanag ang isyu sa kanya, partikular ang kinita umano nitong P15 million sa loob ng tatlong buwan.

Naging sentro rin ng mga puna at batikos ng mga kritiko ang hindi pagpayag ni Martires na magbigay ng kopya ng SALN ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit na ilang beses nang nag-request ang iba’t ibang media outlets para makakuha ng kopya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?