65
ABANTE-TNT palawan ex gov palasyo
By

Palasyo hindi apektado sa kompanyang inisnab si Duterte sa Israel

Bagama’t may panghihinayang ay hindi pinanghinaan ng loob ang Malacañang sa pag-atras ng isang kumpanya sa Israel para dumalo sa Business Forum na isa sa mga mahalagang schedule ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang biyahe sa Israel.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakapanghihinayang dahil isa ang Pilipinas sa ‘best investment destinations’ at mataas ang kumpiyansa ng mga investors.

Nakatitiyak si Roque na dudumugin at mapupuno ang venue na pagdarausan ng business forum ng Pangulo sa King David Hotel sa Jerusalem.

“That’s truly regrettable, because we think the Philippines is one of the best investment destinations. Pero makikita naman po natin mamaya, it will be a standing room only for the business forum. We will miss those who will not attend but I’m sure interest amongst investors to invest in the Philippines remains at an all-time high,” ani Roque.

Ang pag-atras ng kumpanyang NUFiltration Ltd. , isang water filtration firm sa Israel para dumalo sa business forum ay may kaugnayan sa kontrobersiyal na pahayag noon ni Pangulong Duterte kung saan ikinumpara umano nito ang sarili kay Hitler na naka-offend sa mga Hudyo na napatay noong ikalalwang digmaan.

Bagamat nag-sorry na ang Pangulo at personal pang nagtungo sa sinagoga ng Israeli community sa Makati City ay hindi ito sapat sa kompanyang NUFiltration.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?