44

Dec 13, 2017 @ 15:33
By

Palasyo ‘happy’ sa panibagong martial law extension

Ikinalugod ng Malacanang ang naging aksiyon ng Kongreso na muling palawigin ng isang taon ang martial law sa Mindanao.

Ito ay makaraang pagbotohan ng mga senador at mga kongresista sa joint session ng Kongreso kahapon ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na martial law extension.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang kaligtasan ng publiko ang pangunahing concern ng gobyerno kayat hiniling sa publiko na suportahan ang hangarin na mahadlangan ang panibagong rebelyon, at masupil kaagad ang DAESH-inspired Da’ awatul Islamiyah Waliyatul Masriq (DIWM) at iba pang terror group sa Mindanao.

Ayon sa kalihim, nais ng administrasyon na maayos na maisulong ang rehabilitasyon ng Marawi City at makabangon muli ang mamamayan ng walang iniintinding gulo at takot mula sa mga terorista at rebeldeng grupo.

Binigyang-diin ng kalihim na hahabulin ng mga otoridad ang mga grupong nagkakanlong at nagpopondo para muling makabuo ng terror group tulad ng na-neutralized na Maute terror group.

Naniniwala si Roque na kapag nagtulungan ang mamamayan ay magtatagumpay sa hangaring pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

“We welcome the approval of both houses of Congress to extend the proclamation of martial law and the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus in the whole of Mindanao beginning January 1, 2018 until December 31, 2018.

Public safety is our primordial concern; thus, we ask the public to stand behind the Administration and rally behind our defenders to quell the continuing rebellion in Mindanao; eradicate the DAESH-inspired Da’awatul Islamiyah Waliyatul Masriq (DIWM) and other like-minded local/ foreign terrorist groups and armed lawless groups, and the communist terrorists and their coddlers, supporters and financiers; and ensure the unhampered rehabilitation of war-torn Marawi and the lives of its residents. This is everyone’s shared responsibility. Together, we will prevail,” ang pahayag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?