20

Jul 30, 2018 @ 15:14
By

Palasyo handang amyendahan muli ang BOL

Bukas ang Malacañang na i-review ang kinukuwestiyong probisyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) para sa posibleng pag-amyenda.

Partikular dito ang probisyon kung saan isinama ang Sulu sa Bangsamoro Region for Muslim Mindanao na sa una pa lang ay inayawan na ng mga taga-Sulu.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na hindi pa naman naisapubliko ang enrolled bill kaya hintayin na muna kung ano ang magiging aksiyon hinggil dito.

“I think the general sentiment of the President is if there are those who want to object because of specific provision, we are open to reviewing the specific provision,” ani Roque.

Kasabay nito itinanggi ng Malacañang na minadali ang pagpasa sa BOL dahil halos isang taon din itong trinabaho ng Bangsamoro Transition Council.

Katunayan, ayon kay Roque, ay idinaan ang BOL sa napakaraming konsultasyon at makailang beses ding ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang mga mambabatas para pag-usapan ang BOL.

“Nagkaroon ng napakadaming consultations, kaya lang po maraming tumututol sa Sulu just because traditionally, Sulu does not want to be part of it,” dagdag pa ni Roque.

Ito aniya ang dahilan kaya apat na beses nang bumisita sa Sulu ang Pangulo para kausapin at kumbinsihin ang mga taga-Sulu na bigyan ng pagkakataon ang BOL. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?