67

By

Palasyo: Hakbang para malutas ang isyu sa WPS, huwag pangunahan

Umapela ang Malacañang sa publiko na huwag agad husgahan ang ginagawang hakbang para malutas ang isyu sa pinag-aagawang mga teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa ipinupursigeng Bilateral Consultative Mechanism o BCM sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sinabi ni Panelo na nagsisikap ang dalawang bansa na masolusyonan ang usapin sa pinag-aagawang mga teritoryo kaya’t huwag itong pangunahan at sabihing bigo ang isinusulong na hakbang.

“The advantage there is whatever difference you have, you can settle it by way of that mechanism. We expect them to have an open mind,” ani Panelo.

Ang mahalaga ayon sa tagapagsalita ng Palasyo, hindi nagsasara ng pintuan ang dalawang heads of state para maayos ang hindi pagkakaunawaan sa hanggang ngayo’y pinag-aagawang mga teritoryo sa WPS.

Sinabi ni Panelo na panghahawakan ng gobyerno ang binitiwang pahayag ni Chinese President Xi Jinping sa bilateral meeting nila ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakalipas na linggo sa Beijing, China na anumang hindi pagkakaintindihan ay aayusin sa negosasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?