110

Apr 2, 2020 @ 22:37
By

Palasyo: Go, walang access sa mga donasyon sa OCD

Itinanggi ng Malacañang ang ulat na para sa bentahe ni Senador Bong Go ang inisyung Administrative Order No. 27 na nag-aatas sa Office of Civil Defense (OCD) na pangasiwaan ang pagtanggap, inventory at pamamahagi ng mga donasyon ng mga medical supply at personal protective equipment sa harap ng krisis sa coronavirus disease 2019.

Kasunod ito ng kumalat sa social media na kailangan muna umano ng go signal ni Go bago ipalabas ang mga donasyon at dapat sa mga ospital na mayroong Malasakit Center lamang umano ito ibigay.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na fake news ang mga kumakalat sa social media at kagagawan ito ng mga kritiko para magdulot ng galit at kalituhan sa publiko.

“The spread of these fake information is malicious and obviously done by the negative forces and detractors of the Duterte administration and its allies, designed to create confusion and foment hate against thr government,” ani Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na walang access sa OCD ang senador, at kahit mayroon, hindi aniya ito makikialam sa panloob na usapin ng nabanggit na ahensiya.

Tiyak din aniyang hindi papayagan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na pakialaman ng senador ang trabaho ng OCD.

Sinabi ni Panelo na may sariling grupo ng mga kaibigan si Senador Go na nagbibigay ng donasyon para matulungan ang mga nangangailanan ng medical equipments at supplies.

“Senator Go has no access ro OCD. And even if he has, by reason of his position, he will not interfere woth the task of the OCD, such interference being out of his character,dagdag ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?